- Aktor Pokus
- ang paksa ang tagaganap ng kilos ng pandiwa sa pangungusap
Hallimbawa:
Sumungkit ng mga atis ang mga mag-aaral.
Nagdala ng radyo si Trixy.
- Gol Pokus
- ang paksa ang siyang tagatanggap ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa at may layon tagaganap.
Halimbawa:
Kinuha ni Joe ang susi.
Binali ng bata ang lapis.
- Lokatib Pokus
- tinutukoy ay ang pook na pinaggganapan ng kilos.
Halimbawa:
Pinaghukayan ni Pedro ang kanilang bakuran.
Pinaglutuan ng kakanin ang bagong kawali.
- Kosatib Pokus
- tinutukoy ang kadahilanan ng kilos sa pangungusap.
Halimbawa:
Iniluha niya ang pag-alis mo.
Ikinagulat ko ang iyong pagtataksil.
- Instrumental
- kapag nag paksa ay ang kagamitang ginamit pagkilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
Ipinangguhit ng bata ang lapis na iyan.
Ipinamunas ni Ging-ging ang bagong tuwalya.
- Direksyunal Pokus
- tinutukoy ang direskyon o tatanggap ng kilos sa pangungusap
Halimbawa:
Pinasyalan namin ang Banaue Rice Terraces.
Pinuntahan ng mga pulis ang pugad ng mga magnanakaw.
- Benepaktib
- kapag ang paksa ay pinaglalaanan o di tuwirang layon.
Halimbawa:
Ikinuha na inumin ng katulong ang panauhin.
Ipinaghugas ni Ana ng pinggan ang bata.