Biyernes, Marso 9, 2012

Pandiwa - mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw.


Mga Aspekto ng Pandiwa



  • Aspektong Perpektibo o Pangnakaraan
                   - Ito'y nagsasaad ng kilos na nasimulan at natapos na.

        Halimbawa: 
                     Kumain
                     Naglaro
  • Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan
                  - Ito'y nagsasaad ng kilos na nasimulan na pero hindi pa natapos.   kasalukuyan oabf ipinagpapatuloy ang kilos.

        Halimbawa: 
                   Kumakain, naglalaro
  • Aspektong kontemplatibo o Panghinaharap         
                 - Ang kilos ay hindi pa nasisimulan, ito'y gaganapin pa lamang

        Halimbawa: 
                   Kakain, maglalaro

Uri na Pandiwa

  • Pandiwang katawanin - ay nagtataglay ng kahulugang buo na hindi nangangailangan ng tagaganap o tagatanggap ng kilos                           Halimbawa: Umalis na ang panauhin.
  • Pandiwang Palipat - ay nagtataglay ng kilos at nangangailangan ng tuwirang layon. Ang tuwirang layon ay pinangungunahan ng pang-ukol na sa o kay at layon na maaaring pangalan o panghalip na karaniwan.
        Halimbawa: Ang magsasaka ay nagtanim ng mga gulay. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento